Ipinaskil ni: Raul Funilas | Enero 7, 2007

Awit Kay Awit

Awit Kay Awit
(kay Emmanuel Carmelo “Awit” Nadera lll)

Kay gandang pakinggan ng bawat awit,
Higit kung ito’y nanggagaling sa dibdib.

Lahat tayo’y umaawit.
Sa pag-ugoy ng duyan ng paslit,
Tayo’y umaawit.
Inaawitan natin ang paslit na isip upang umidlip.

Umaawit tayong lahat.
Umaawit tayo ng pagmamahal,
Umaawit tayo ng paggalang,
Umaawit tayo ng Kumintang,
Umaawit tayo ng Talindaw;
Umaawit tayong lahat.

Ngayon, ang awit ni Awit ay aawitin,
O, Awit, nawa’y iyo nang dalahin
Ang lahat na sakit at libong hilahil.

Sa atong Panginoon ay iyong sabihing
Gusto mong kalaro ay mga kerubing
Ang nakapalibot ay katulad mong anghel.

Alam naming sa langit, mayroon kang himlayan,
Dahil ikaw, Awit ay awit sa nagmamahal na magulang.

(Ginawa at binigkas noong Disyembre 16, 2006 sa tribute ng LIRA
kay Awit Nadera (four years old angel)sa Chapel F, Arlington Funeral Homes
Sa Araneta Avenue, Quezon City.)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: