Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Sa Opisina Ni Atty. Redemberto R. Villanueva

NUDE PAINTING SESSION SA TIMOG AVENUE
(Sa opisina ni Atty. Dem R. Villanueva)

Raul Funilas

Saktong ‘kawalo ng gabi, di maiwasang dumalo
Sa dagliang paanyaya ng batikang abogado,
Magnu-nude painting sesyon daw sa gusaling C.C.Castro
International, doon sa 53 Timog Avenue.

Nang kami ay dumadating sa may bukana ng Penthouse,
Nakita ko ay babaing hinuhubad ang kanyang blouse;
Nakaupo at kasama ang isang wari’y alagad
Na nagtitiyagang bantay. Kumaway ang kanang palad

Ni Attorney Villanueva at ako ay pinaupo
At kaagad na nag-utos ng isang kopitang puno
Ng Redwine sa isang weyter. Habang nagwawalang kibo
Ang limang pintor sa silya’y panay naman ang pagtango

Nang naghubad na babae sa habilin ng kasama.
“Basta ang sasabihin mo: H’wag kang kunan ng kamera!”
Nang may biglaang sumigaw, “Higa na! At mag-umpisa!”
Biro ni Nemi Miranda’t lahat ay agad tumawa.

Enero 13, 2006
C.C.Castro International
53 Timog Avenue,
Quezon City


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: