Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Masigwang Buhay Ang Pangingisda

Masigwang Buhay Ang Pangingisda

Raul Funilas
Hulyo 8, 2006

Subukin mong sumagwang paapupa
Sa agos, tiyak na kabayo kang dadamba
Upang salungahin ang hindi nakikitang
Ragasa sa rabaw ng tubig. Masigwang

Buhay ang pangingisda. Magpapawis
Ang buo mong katawan gayung sumisigid
Ang payapas ng hangin. Halumigmig
Ng gabi’y nagiging kumot sa ngilid

Na matang ayaw dalawin ng antok.
Mangingiti ka kung pilyong bumalantok
Ang bahagharing tinudla ng kulay ang pusod
Ng karagatang nagsasalikwaan ang anlog.

At kung tigib ng tubig ang lunas ng lunday,
Maglilimas kang gamit ang dahon ng sagwan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: