Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Kaway ng Kanaway

Kaway Ng Kanaway

Umaatungal ang makina ng bangka
Waring nagagahi ang tubig na sinasalasa
Ang bulang nagpupulanditang humihilom
Sa sugat na likha ng masigasig na eliseng
Umaalimbukay at sumisigalpot
Sa gawing likurang burabok ng tubig.

At sinasalimbayan ng naglipanang KAWAY NG KANAWAY
Na tumutugaygay sa bangka’t
nananaklot at naninila ng mga maritatas
Sa namamatay na lawa ng Laguna.

Umaatungal ang bata sa bangkang
dinadamba ang alon
Sa saliw ng maharot na hanging habagat
Nalulula ang batang
Niyuyupyupan ng kaniyang ina,
Pinapayapang papayapa din ang sigwada.

Umaatungal din ang kuluting alon
Sa walang patlang na hagupit ng sigwa,
Nirurumbo nang nagtitiniyad na alon ang laot;
Hinahalukay ang anit ng kalawaang
Nalulupog ang hininga
Sa kalibagan ng lawa.
Na tayong tao ang may likha.

Umaatungal ang dagundong ng kulog,
Nagkukumpol-kumpol ang haplit at kislapan ng kidlat;
Itinataboy sa himpapawid ang duming ikinalat
Na gustong maki-agulo sa kanilang pinananaguan.
Sa matining at namamagang alapaap
Pinapapayapa ang mga daluyong at sigwada.

At minsang pinakikiusapan
Ang balantukang bahagharing
Ilabas ang ganda’t rangya ng kulay.
Ipinahahatid na huwag mabahala ang naninimdim
Dahil ito ang kanilang mga adhika,
Itago ang mga siphayo’t
Ito mag-aalis sa mga bagabag
At makagagamot sa ngimay— manhid
Ng mga karamdamang kumulapol
Sa mga naninigilan sa lungki at dunggot
Pina-aasang magkakaroon pa ng kulay
Ang nauunsiyaming buhay
Ng mga taga isla ng Talim.

Raul Funilas l
Marso 7, 2004
Isla ng Talim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: