Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Binhing Pag-asa

Binhing Pag-asa

Raul Funilas
Oktubre 20, 2006

Naglawang panimdim huwag ipupunla,
Sa lupang dinusta’t may dagta ng dita;
Huwag didiligin ng panata’t sumpa
Dahil ang tutubo’y isang along luha.

Sakaling umangat sa balag ng api,
Huwag puputulin, piliing mabuti
Ang mangilan-ngilang dapat na maani—
Pagkat hindi lahat: May bulok at dumi.

Kunin yaong butong karangalang binhi,
Ipunla sa kulay nitong bahaghari;
Upang ang pag-asa ng kalmanteng budhi’y
Lamagap na wagas ang kandiling mithi.

Kung nais mapitas ang bungang pag-asa,
Palantang binhii’y masayang pamilya.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: