Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2006

Apoy ng Dapithapon

Karaniwang Dapithapon ng Abril

Raul Funilas
19 Abril 2006

Siguro, mas maganda pang ito’y sinulat
Ko sa Disyembre, o sa gabing may ulap
Na tumatabing sa buwan. Maaaring masuri
Kong higit ang lahat. Ngayon, hindi ko mawari
Ang lahat-lahat. Maraming nababagong bagay,
Nakakapaso ang hanging pumapaypay sa araw—
Kahit sumalansan ang ulap at pilit ikinukubli
Ang apoy sa kanluran. Ang tubiga’y naging pipi
Ang alon sa ligamgam na humahaplos pasuyod
Sa kulot na anit at ang naalinsanganang maninibog
Sa lunday ay walang humpay ang talon at ahon
Sa tubig. Upang mabantilaw ng kaniyang pagtimbol
At gawing malahininga ang abo-abong tubig
Ng Abril. Para ding Disyembre kapagka sinisid.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: