Pag-ibig
Hulyo 9, 2011
Lansakang lumilipad ang mahahalagang salita,
pawang mariringal at matimyas,
narahuyo akong pumili ng i-aaltar sa aking sarili.
Tatlong salita lamang ang aking napisil.
Pananalig, Pag-asa at Pag-ibig.
Ngunit malinaw sa dakong maliwanag ang babala.
Isa lamang ang dapat ilagay sa sarili.
Hindi ako natagalang mag-isip kung alin ang aking pipiliin,
Ang Pag-ibig.
Berso Libre ni Tata Raul Funilas!

Bagong Puna