Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 9, 2009

Paggamit ng Nang at Ng

Paggamit ng Nang na mahaba at Ng na maikli

Ang NANG ay ginagamit kapag idini-describe kung paano ginawa o naganap

ang isang bagay o pangyayari. Madalas, sina-sandwich ito bilang

tagapag-ugnay sa pagitan ng isang verb (pandiwa) at adjective o

adverb (pang-uri). In other words, ganito:

Verb + NANG + Adverb/Adjective

Halimbawa,

1. makatulog NANG mahimbing

2. tumawa NANG walang-pangingimi

Ang NANG ay ginagamit din bilang pantukoy sa isang sitwasyon, i.e.

bilang katumbas ng WHEN sa Ingles. Halimbawa,

1. NANG makatulog ang nanay ni Bing

2. NANG tumawa ang mga duwende

On the other hand, ang NG naman ay ginagamit bilang possessive

modifier sa isang sentence. Halimbawa,

1. Ang pisngi NG Macabebe

2. Ang siga NG Tondo

Ginagamit rin ang NG bilang pantukoy sa mismong object ng sentence.

As in ganito:

1. Binaha NG asupre

2. Nagnakaw NG puto

Subukin nating i-apply ang mga example sa itaas at ganito, halimbawa,

ang kalalabasan:

1.

NANG tumawa ang mga duwende

NANG walang-pangingimi,

Binaha NG asupre

Ang pisngi NG Macabebe.

2.

NANG makatulog NANG mahimbing

Ang nanay ni Bing,

Nagnakaw NG puto

Ang kilabot NG Tondo.

Lima lamang ang dapat tandaan:

Sa mga nais matuto, lima lamang ang dapat tandaang tuntunin sa

paggamit ng “nang.”

1. Kasingkahulugan ng “noong”.

Umaga nang barilin si Rizal.

Nang umagang iyon ay nagkasakit si Pedro

1. Kasingkahulugan ng ” upang” at ” para’.

Sa mga Espanyol, dapat barilin si Rizal nang matakot

ang mga Pilipno

Dapat dalhin si Pedro sa ospital nang magamot.

1. Bilang pinagsamang “na” at “ng”.

Sa mga Filipino, sobra nang lupit ng mga Espanyol.

Sobra nang hirap ang inabot ni Pedro.

1. Nagsasabi ng paraan o sukat.

Binaril si Rizal nang patalikod.

Namayat nang todo si Pedro dahil sa hika.

1. Bilang pang-angkop ng inuulit na salita.

Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siya

mamamatay.

Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.

Halaw ni Tata Raul Funilas sa Filipino ng mga Filipino ni Virgilio S. Almario


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: